Japanese vlogger at content creator, kulong matapos ireklamo ng pananakit ng live-in partner

Kalaboso ang Japanese vlogger at content creator na si Yoshiyuki Kobayashi o mas kilala bilang Lakas Tama matapos na ireklamo ng kaniyang live-in partner.

Ayon sa ulat ng Southern Police District, nagsumbong ang biktima sa Parañaque City Police Station Women’s Desk dahil sa nararanasang pananakit at emotional abuse.

Sa pagsalaysay ng biktima, nagbanta pa ang biktima na babarilin siya at papatayin.


Agad namang naaresto ang suspek at nakumpiska ang ilang baril at mga bala.

Wala ring naipakita o naipresintang dokumento ang suspek sa mga baril na nakuha mula sa kaniya.

Nahaharap ito ngayon sa kasong Grave Threat, paglabag sa Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang naarestong suspek.

Facebook Comments