Manila, Philippines – Ibinabala ngayon ni Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian ang matinding problema sa supply ng kuryente na nakaambang maranasan sa susunod na taon.
Ito ay kung hindi maibabalik angg 365-million pesos na 2018 proposed budget para sa Energy Regulatory Commission o ERC.
Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng P1,000 pondo na ibinigay ng Kamara sa ERC.
Paliwanag ni Gatchalian, kung hindi magagampanan ng ERC ang trabaho dahil sa kawalan ng pondo ay tiyak ang pagdating ng mga problema sa kuryente at pagkakaroon ng mga brownouts.
Giit ni Gatchalian, kasuhan at parusahan ang mga sangkot sa anomalya sa ERC pero huwag idamay ang buong ahensya dahil tiyak na maaapektuhan nito ang buong bansa.
Facebook Comments