1k budget para sa CHR, posibleng maging dahilan ng deadlock sa proseso ng pagpasa sa 2018 proposed budget

Manila, Philippines – Ibinabala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagkakaroon ng deadlock o pagkabinbin sa proseso ng pagpasa sa panukalang budget para sa taong 2018.

Ayon kay Drilon, ito ay sa oras na ipilit ng Kamara sa Bicameral Conference Committee ang 1,000 pesos na budget para sa Commission on Human Rights.

Diin ni Drilon, sila sa minority bloc at base din sa pahayag ng mga senador sa majority bloc, ay nagkakaisa sa paninindigan na dapat ibigay ang pondong nakalaan sa CHR.


Ipinaliwanag ni Drilon na ang nasabing deadlock ay magreresulta sa hindi pagpasa sa 2018 budget at pag-iral na lang ng reenacted budget.

Facebook Comments