1K monthly subsidy para sa solo parents, hindi umano naibibigay ayon sa isang kongresista

Ikinadismaya ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ang mga sumbong sa kanyang tanggapan na hindi umano naibibigay ng mga lokal na pamahalaan ang P1,000 allowance ng mga solo parents.

Nabatid ni Tulfo na may ibang mayayaman na lungsod sa National Capital Region na 500 pesos lamang at every other month pa ang ipinagkakaloob na allowance para sa solo parents.

Ayon kay Tulfo, maiintindihan niya kung hindi makapagbigay ng buwanang subsidiya sa solo parents ang mga maliliit at mahihirap na bayan o ang mga 4th o 6th class municipalities.


Pero giit ni Tulfo, hindi dapat pumalya dito ang mga mayayamang lungsod o bayan.

Kaugnay ito ay muling ipinaalala ni Tulfo na sa ilalim ng Expanded Solo Parent Welfare Act of 2022 o Republic Act 11861, dapat ay buwanang bibigyan ng mga local government units ng ₱1,000 subsidiya ang mga low income solo parents.

Facebook Comments