1K PUNLA NG GIANT BAMBOO, ITINATANIM SA BAYAN NG QUEZON

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng tree planting activity ang mamamayan ng Quezon bilang paggunita sa kanilang ika-65 Araw ng Quezon.

Ito ay ginanap sa Eco-Forest, Sitio Namnama, Brgy. Santos kung saan isang libong punla ng giant bamboo ang itinanim sa lugar.

Kabilang naman sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ay ang kawani ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno katulad ng DepEd, BFP, PNP, NIA, barangay officials, at iba pa.


Ang aktibidad na ito ay nagpapakita na buhay pa rin ang “Danggayan” o pagtutulungan ng bawat isa sa bayan ng Quezon.

Facebook Comments