Kabuuang bilang ng mga lumabag sa ECQ protocols, umabot na sa mahigit 71,000 – PNP

Umabot na sa mahigit 71,000 lumabag sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa buong Metro Manila.

Kasabay ito ng ikasampung araw ng implementasyon ng ECQ kahapon, kung saan kabuuang 71,755 ang naitalang violators na may average number kada araw na 7,973.

Nasa 212,750 violators naman ang naitala ng mga otoridad sa National Capital Region (NCR) Plus na mayroong average number na 23,639 kada araw.


Sa NCR, 4,098 ang mga nahuling non-Authorized Persons Outside of Residence (APOR) habang 10,281 sa NCR Plus.

Iiral ang ECQ sa Metro Manila hanggang sa ika-20 ng Agosto.

Facebook Comments