Kahalagahan ng mental health para sa mga manggagawa, iginiit ni Ang Probinsiyano Party List Rep. Delos Santos

Naniniwala ang isang mambabatas na dapat mapagtuunan din ng mga manggagawa ang kanilang mental health upang maging produktibo sa trabaho.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Ang Probinsiyano Party List Rep. Alfred delos Santos na ito ang dahilan kung bakit niya isinusulong ang 5 day Mental Health Wellness Leave Bill.

Ayon kay Delos Santos, ang kaniyang panukala ay suportado rin ng mga grupo ng psychologist at partikular na ng mga manggagawa.


Sa ngayon daw ay patuloy ang pag-usad ng panukalang ito kung saan naniniwala ang mambabatas na makakalusot na ito sa komite at mapag-uusapan na sa plenaryo.

Samantala, simula sa Hulyo 26 ay mapapakingan at mapapanuod dito sa RMN DZXL 558 Manila Facebook at YouTube ang bagong programang ‘Basta Promdi, Lodi’ kasama si Cong. Delos Santos at batikang mamamahayag sa radyo at telebisyon na si Ces Drilon.

Ito ay eere mula Lunes hanggang Biyernes alas- 1:30 hanggang alas-2:30 ng hapon.

Facebook Comments