Binasura ng Pasig RTC Branch 159 ang kahilingan ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na suspindehin ang criminal proceedings at ang pagpapa-aresto sa kanya.
May kinalaman ito sa kasong qualified human trafficking laban sa kanya at iba pa.
Ayon sa korte, maituturing na prohibited motion ang kahilingan ni Quiboloy na masuspinde ang arraignment laban sa kanya.
Iginiit din ni Pasig City acting Presiding Rainelda Estacio-Montesa na matapos ang masusi nilang pagsusuri sa mga dokumento, nakitaan nila ng probable cause ang pagpapa-aresto kay Quiboloy at sa iba pang mga akusado.
Kabilang din sa mga akusado sa kaso sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes.
Facebook Comments