Kakulangan ng transparency ng COMELEC sa pag-iimprenta ng balota, hindi dapat ikabahala

Walang nakikitang dahilan si Pangulong Rodrigo Duterte upang mabahala sa kakulangan ng Commission on Elections (COMELEC) sa pagiging transparent nito sa pag-iimprenta ng balota na gagamitin sa halalan.

Kaugnay ito sa pagkabahala ng ilang election watchdogs sa hindi pagpapapasok ng COMELEC sa loob ng National Printing Office at sa bodega nito sa Sta. Rosa, Laguna upang obserbahan ang proseso ng imprenta na poll ballots.

Ayon kay Duterte, tiwala siya sa mga itinalaga niyang opisyal sa COMELEC partikular kay COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan.


Dagdag pa ng punong ehekutibo, iniimprenta umano ang mga balota sa Bureau of Printing at sa tingin nito ay mga requirement na kailangan upang maging saksi ng naturang kritikal na proseso.

Mababatid na pinabulaanan ng COMELEC ang alegasyong hindi tinanggap ang mga observation request ng mga grupong nais makita ang printing process pero inamin nitong pinagpaliban ang pagmamasid sa pag-imprenta nito dahil sa COVID-19 restrictions.

Facebook Comments