Kalahati ng mga aktibong kaso ng COVID-19, naitala sa mga lalawigan

51% ng mga nagpapagaling pa mula sa COVID-19 ay mula sa mga lalawigan.

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kahit papaano ay bumagal na ang mga aktibong kaso sa National Capital Region (NCR) Plus.

Tinukoy pa ni Vergeire na 111 na lalawigan, highly urbanized cities at independent component cities ay nasa ilalim ng Alert Level 3 at 4.


Sa mga lugar na ito, 79 ang okupado na ang COVID beds at ICU na mula 70 hanggang 100 porsyento.

Bagama’t nananatili sa high-risk classification ang Metro Manila, Region 3 at Region 4A kasama ang siyam pang mga rehiyon, Calabarzon at Central Luzon ay may malaking pagbaba na sa kaso sa nakalipas na dalawang linggo.

Mula aniya sa 138% na two-week growth rate ay bumaba na ito sa 48% nitong nakalipas na dalawang linggo.

Ang Region 4A ay bumaba na sa 73 percent nitong huling 2 linggo habang ang Region 3 ay naitala sa 51 percent ang two-week growth rate.

Facebook Comments