Kaliwa’t kanang caravan ng mga politiko, hindi pa maituturing na paglabag sa ngayon

Walang nakikitang paglabag ang isang election lawyer sa ginagawang aktibidad ngayon ng mga kandidato para sa halalan sa 2022.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Atty. George Erwin Garcia na batay sa ruling ng Supreme Court, hindi pa maituturing na kandidato ang isang indibidwal hangga’t hindi pa pormal na nag-uumpisa ang campaign period.

Ibig sabihin, simula October 1 hanggang February 7 ay hindi pa maaaring parusahan ang mga kandidato dahil sa pagsasagawa nila ng campaign rallies, paglalagay ng radio at TV ads at pagpapaskil ng mga campaign poster material.


Samantala, para kay Garcia, hindi legal issue kundi moral issue ang pagsasagawa ng mga campaign rally kahit hindi pa panahon ng kampanya.

Bilang isang kandidato, dapat silang maging responsable sa kanilang mga aktibidad lalo’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19

Una rito, pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga kandidato at kanilang supporters na bawal pa rin ang political rally dahil bukod sa hindi pa umpisa ng kampanya, nagbabadya ring makapasok sa bansa ang Omicron variant.

Facebook Comments