Kampanya para iwas-sunog sa Pagadian, umarangkada na kasunod ng Fire Prevention Month

Walang nangyaring sunog ngayong umaga sa Pagadian subalit narinig ang pagwang-wang ng mga fire trucks ng Bureau of Fire (BFP) Pagadian kasama ang ibang force multipliers sa lungsod.

Kaugnay ito sa kick-off ceremony ng BFP sa Fire Prevention Month.

Ayon kay BFP Pagadian Fire Marshall Senior Inspector Jasmin Tanog, isang buwan lang sa loob ng isang taon ang Fire Prevention Month subalit hanggat maaari dapat araw-araw ang fire prevention.


Samantala, bukod sa pag motorcade at pagwang-wang ng mga bumbero, namigay din sila ng Flyers may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa” bilang paalala sa kanilang kampanya laban sa sunog.

Isinasagawa ang taunang Fire Prevention month tuwing unang araw ng buwan ng Marso.

Facebook Comments