Karagdagang 37,800 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines, dumating kahapon sa bansa

Dumating na kagabi ang karagdagang 37,800 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines.

Lumapag ang Korean Air Flight lulan ang mga bakuna alas-9:42 kagabi sa Ninoy Aquino International Airport.

Dahil dito, umabot na sa 132,200 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas.


Matatandaang noong Mayo nagsimulang dumating ang mga bakuna ng Sputnik V sa bansa.

Samantala, sa ngayon ay nasa 4.5 percent na ng populasyon ng Pilipinas ang fully vaccinated na o katumbas ng 3.2 milyong indibidwal.

Facebook Comments