
Nagbabala ang Phivolcs na posibleng magtagal pa ng ilang buwan ang kasalukuyang aktibidad ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Resident Volcanologist Dr. Paul Alanis, ang kasalukuyan kasing kalagayan ng Bulkang Mayon ay naganap na rin noong 2023.
Aniya nagsimula noon ang pag-aalburuto ng bulkan buwan ng Hunyo at natapos na ng Nobyembre.
Kaya hindi nito inaalis ang posibilidad na magtagal ng limang buwan ang kasalukuyang status ng Bulkang Mayon.
Kanina ay isang bagong silang na dark lava dome ang namataan sa tuktok ng Bulkang Mayon na nagbuga ng pyroclastic density current o “uson” sa Miisi Gully sa southern upper slopes alas-11:40 ng umaga.
Nanatiling nakataas sa Level 3 ang alerto ng naturang bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer permanent danger










