Kaso ng COVID-19 sa mga health workers, umabot na sa 12,021

30

Umabot na sa higit 12,000 health care workers ang dinapuan ng COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala ang Department ng Health (DOH) ng 291 na bagong kaso sa nagdaang linggo.


Aabot naman sa 11,681 ang gumaling habang umakyat na sa 75 ang namatay.

Nasa 265 medical worker cases ang aktibo at sumasailalim sa treatment of quarantine.

Ang medical professions na may mataas na COVID-19 cases ay ang mga nurses na my 4,258 infections, doctors na may 2,083, nursing assistants na mayroong 923, medical technologists na nasa 579, at midwives na may 357 cases.

Higit 500 iba pang non-medical personnel tulad ng utility-workers, security guards, at administrative staff ang kasama sa tally.




Facebook Comments