
Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na hindi nila titigilan ang kaso ng mga missing sabungero.
Ito’y kahit pa malakas sa public relations o PR at ma-impluwensyang tao ang nasa likod nang pagkawala ng mga biktima.
Ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi sila hihinto sa pag-iimbestiga para makuha nang mga pamilya ang tunay na hustisya.
Aniya, dapat hindi umano pumapayag ang kahit na sinuman na pera-pera lang ang nagiging labanan.
Matatandaang may 34 na mga indibidwal ang nauugnay sa online sabong operation na hindi pa nahahanap mula pa noong 2022.
Taliwas sa statement ng whistleblower na si Julie Patidongan o alyas “Totoy” na ang totoong bilang ng indibidwal na nawawala ay aabot sa 100.
Samantala, tiniyak naman ng DOJ na mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pamilya ng mga missing sabungero para sa development at imbestigasyon sa kaso.









