Binasura ng Makati Prosecutor’s Office ang reklamong rape with homicide na isinampa ni Ginang Sharon Rose Dacera laban sa 11 respondents.
Kaugnay ito ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera sa isang hotel sa Makati noong Bagong Taon matapos ang kanilang New Year’s party kasama ang mga kaibigan.
Kabilang sa respondents na naabsuwelto sa kaso sina:
• John Paul Dela Serna III
• Rommel Galido
• John Paul Halili
• Gregorio Angelo Rafael de Guzman
• Jezreel Rapinan
• Alain Chen
• Mark Anthony Rosales
• Reymar Englis
• Louie Delina
• Jamyr Orris Cunana at
• Eduard Pangilinan III
Ayon sa piskalya, wala silang nakitang sapat na basehan o walang probable cause para iakyat sa korte ang reklamo laban sa naturang respondents.
Batay sa resolusyon ni Makati Prosecutor Joan Santillan, hindi sapat ang mga ebidensyang naiprisinta ng depensa para madiin sa kasong rape with homicide ang 11 akusado.
Iginiit din ng piskalya na ruptured aortic aneurysm ang sanhi ng pagkamatay ng flight attendant.
Patuloy naman na gumugulong sa Department of Justice (DOJ) ang hiwalay na reklamong inihain ng National Bureau of Investigation kaugnay ng Dacera case.