Nilinaw ng pamunuan ng Antipolo City Government na ang katigasan ng ulo ng tao ang nagiging dahilan kung bakit lumusob at dumagsa ang sangkaterbang tao sa isang mall kahapon sa Antipolo City.
Ayon kay Antipolo City Public Information Officer Enrilito Bernardo, ang naging problema kahapon sa vaccination site ang hindi pakikinig ng tao sa ibinigay nilang cut off na 400 lamang na walk-in slots sa nais na magpabakuna.
Paliwanag ni Bernardo na sinisikap na umano nilang resolbahin ang problema sa sistema ng bakunahan nang sa gayon ay hindi na umano maulit ang nangyari kahapon.
Matatandaan na kahapon ay halos 5,000 ang dumagsa at pumila sa isang mall sa Antipolo City simula pa ng madaling araw at isinisi ang mga fake news na naglalabasan na hindi bibigyan ng ayuda at palabasin kung walang bakuna.