Pinagigiba ni Senator Panfilo Lacson sa Department of Health (DOH) ang umano’y pamamayagpag ng gawain sa loob ng kagawaran na maihahaluntulad sa isang sindikato.
Kasunod ito ng pagsiwalat ng mambabatas sa P2.736 bilyong halaga ng gamot na nasira at malapit nang masira na aabot sa P2.2 bilyon sa loob lamang ng 2019.
Ayon kay Lacson, maraming pera ng taong-bayan ang naiwaldas dahil sa katiwaliang itong ng ahensiya.
Nabatid na batay sa mga datos na nakuha ni Lacson sa Commission on Audit (COA), nasa P95.67 million ang nasayang sa taong 2020; P2.2 bilyon noong 2019; P378.1 million sa 2018; P7.03 million noong 2017; P25.9 million noong 2016; P18.3 million noong 2015; P6.8 million noong 2014 at P4.4 million noong 2013.
Ipinaalala naman ng senador kay Health Secretary Francisco Duque III ang pangako nitong sosolusyunan ang nabanggit na problema.