Kinumpirma ng health ministry ng Singapore na naitala nila ang isang imported case ng Monkeypox.
Ito ang kauna-unahang kaso ng Monkeypox na naitala sa Timog-Silangang Asya matapos magkaroon ng outbreak sa Europe.
Mababatid na nagpositibo noong June 20 ang isang 42-taong gulang na Briton na nagtatrabaho bilang flight attendant na lumipad papasok at palabas ng Singapore sa kalagitnaan ng Hunyo.
Sa ngayon, nasa maayos itong kalagayan sa National Centre for Infectious Diseases sa Singapore.
Kasalukuyan namang isinailalim sa 21 araw na quarantine ang 13 close contacts ng naturang pasyente habang patuloy pa rin ang isinasagawang contact tracing sa iba pang nakasalamuha ng British national sa kaniyang mga flights at sa pamamalagi nito sa bansa.
Facebook Comments