Kompanya ng MT Princess Empress, hindi dapat umasa sa inaasahang 1 billion dollars na insurance

Iginiit ni Senator Cynthia Villar na hindi dapat umasa sa matatanggap na insurance ang mga may-ari ng lumubog na MT Princess Empress matapos mapag-alaman sa pagdinig na wala pala itong permiso para makapag-operate.

Sa pagdinig ng Senado, iginiit ni Villar na hindi dapat pabayaan ng RDC Reield Marine Services, ang kompanyang nagmamay-ari sa lumubog na barko, na umasa ang mga taong apektado na may mapapakinabangan mula sa 1 billion dollars na insurance.

Malabo aniyang makuha ng kompanya ang insurance dahil kulang naman sila sa mga isinumiteng dokumento.


Mismong si Villar ang nagbunyag sa pagdinig na ang MT Princess Empress ay walang “authority to operate” dahil kailangang amyendahan ang “Certificate of Public Convenience” (CPC) na inisyu sa kompanya.

Giit ni Villar, hindi na dapat hintayin ang sinasabing make-claim na insurance dahil magkakaproblema lamang dito at hindi dapat dumipende sa isang bagay na hindi naman darating.

Sinabi pa ng senadora na galing siya sa business at batid niyang ang mga insurance companies ay hahanap ng dahilan para hindi sila magbayad ng claims o insurance.

Facebook Comments