Kongresista, hindi bilib sa “gag order” sa dalawang opisyal ng NTF-ELCAC

Nakukulangan si Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas sa gag order para kina NTF-ELCAC Spokespersons, Communications Undersecretary Lorraine Badoy at Lt. Gen. Antonio Parlade.

Ayon kay Brosas, hindi sapat ang gag order para matigil ang mapanganib na red-tagging laban sa organizers ng community pantries.

Sa halip ay dapat na sibakin sa pwesto sina Badoy at Parlade kasabay ng pagbabawal sa mga ito na humawak ng anumang pwesto sa gobyerno.


Ipinabubuwag din ng kongresista ang NTF-ELCAC at ipinare-realign ang P19 billion budget ng task force ngayong taon para sa emergency cash aid.

Katuwiran ni Brosas, sayang ang pondong inilaan sa kanila na ginagamit lang naman para maghasik ng takot at pangamba sa komunidad.

Facebook Comments