Korean na nasa ilalim ng ‘red list’, arestado dahil sa fraud

Nasakote ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang Korean national dahil sa telephone fraud.

Kinilala ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba ang suspek na si Choi Seung, 36 y/o na pasok sa Interpol Red Notice dahil sa kinasasangkutang transnational crime.

Naaresto ng mga operatiba ng CIDG ang suspek sa Alabang Town Center, Muntinlupa City nuong Lunes, September 5, 2022.


Base sa impormasyong nakalap ng PNP, si Seung ang nasa likod ng tele-scam syndicate na nakapambiktima na ng 800 katao mula 2015-2016 at umaabot na sa P215 million ang kaniyang kinita mula sa mga biktima.

Sa ngayon, nakikipag-uganayan na ang PNP sa Korean authorities para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

Facebook Comments