La Niña, posibleng maranasan sa bansa simula sa Hunyo

Nasa 62% ang posibilidad na makaranas ng La Niña ang bansa ngayong taon.

Sa Malacañang press briefing, sinabi Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, nasa transition period na ang El Niño simula Abril hanggang Hunvo, at inaasahang mararanasan ng bansa ang La Niña simula sa Hunyo hanggang Agosto.

Ayon pa sa DOST, sa panahon ng La Niña ay inaasahang nasa 13 hanggang 16 na bagyo ang tatama sa bansa.


Gayunpaman, mababa ito kumpara sa kanilang average na projection na nasa 19 hanggang 20 na bagyo.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para tugunan ang epekto ng El Niño habang nagsasagawa na rin ng preparasyon ang bansa sa inaasahang pagpasok naman ng La Niña.

Facebook Comments