Panukalang pabilisin ang proseso ng pagtatayo ng internet infrastructure, lusot na sa Kamara

Lusot na ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6 o Open Access in Data Transmission Act na magpaparami sa mga Pilipino na may access sa internet.

243 na mambabatas ang bomotong pabor sa panukala na layuning pasimplehin ang proseso sa pagtatayo ng mga internet infrastructure sa pamamagitan ng pagbawas sa mga legal na proseso at requirement.

Nakapaloob din sa panukala ang pagkakaroon ng interconnection sa pagitan ng data transmission participants upang maiwasan ang iisang player lamang sa industriya.


Binibigyang mandato ng panukala ang National Telecommunications Commission (NTC) na gamitin ang radio spectrum sources at tiyakin na ito ay bukas para sa lahat ng rehistradong data transmission participants.

Ang lahat ng data transmission participants ay kailangan magparehistro sa NTC, habang ang mga gagamit ng international cable landing station ay kailangahn kumuha ng legislative franchise.

Nakapaloob sa panukala ang administrative penalties na mula P100,000 hanggang P5 million sa kada araw na paglabag ng industry participant na bigong makasunod sa minimum service standards na itinakda ng NTC.

Facebook Comments