Kinumpirma ni presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson na mayroon umanong isang presidential aspirant na sinakyan ang kanilang pagbatikos tungkol sa korapsyon, gamit ang kanilang propaganda at siya umano ang sinangkalan.
Ayon kay Senador Lacson, gumawa ng video tungkol sa magnanakaw kung saan pinapatungkulan ang isang presidential candidate pero ang implikasyon ay siya umano ang nag-black propaganda.
Pinabulaanan ni Lacson na nakita niya ang video na nanggaling umano sa isang nagngangalang Jonathan na nag-share rin sa kanilang kampo, kaya kanya-kanyang gamitan lang umano.
Pero ang Lacson-Sotto tandem ay walang ginagamit kundi pinipresenta nila ay plataporma at naglalahad sila ng pangkalahatang termino.
Giit pa nina Lacson at Sotto na pinapanatili pa rin nila ang kanilang pinagkasunduan, politics of platform, programs at plans at hindi politika para sirain ang ibang kandidato.