Lalaking staff ng VMMC, nakaranas ng pagkahilo matapos maturukan ng COVID vaccine

54

Nakaranas ng pagkahilo ang isang lalaking staff ng Veterans Memorial Medical Center matapos maturukan ng Sinovac vaccine.

Ayon kay Dr. Johan Mejia, dahil sa sobrang init ang tinitingnan na dahilan ng kaniyang pagkahilo.


Agad na dinala sa Emergency Room ng VMMC ang staff.

Binigyan na ito ng gamot at pinalabas matapos makita na wala namang adverse effect sa kaniyang katawan.

Natapos na rin ang vaccination sa VMMC at nagliligpit na ng mga gamit.

Facebook Comments