Nakahanda na ang mga munisipyo sa lalawigan ng Zamboanga del Sur para sa National Vaccination Day na nakatakdang isagawa sa darating na November 29 hanggang December 1.
Ayon kay Dr. Agnes Fernando, head ng Department of Health (DOH) Zamboanga del Sur, may iba’t ibang pakulo ang mga Municipal Health Office (MHO) sa kanilang covered courts kung saan isasagawa ang vaccination rollout upang hikayatin ang publiko na magpabakuna.
Tinyak naman ni Fernando na sapat ang mga bakuna na dumating sa probinsya na ibibigay sa mga adult priority at senior citizens, at mga kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Sa naturang aktibidad, target ng DOH-Zamboanga del Sur na mabakunahan laban sa COVID-19 ang mahigit 50, 000 na indibidwal kada araw.
Facebook Comments