75% ng mga bagong dating na COVID-19 vaccines, ilalaan sa NCR Plus – DOH

Ilalaan ng gobyerno ang mayorya ng bagong dating na mga COVID-19 vaccine doses sa mga lugar na sakop ng “NCR (National Capital Region) Plus” bubble.

Sabi ni Health Undersecretary for Field Implementation and Coordination Team Dr. Myrna Cabotaje, 75% ng vaccine supply ang ipamamahagi para sa mga healthcare workers sa mga itinuturing na high-risk COVID-19 areas.

Ibig sabihin, mula sa 400,000 doses ng Sinovac galing China na dumating sa bansa noong March 24, 300,000 ang mapupunta sa NCR, Bulacan at sa Region IV-A.


Ang natitirang 100,000 doses ay ibibigay naman sa mga healthcare workers sa Cordillera, Cebu, Davao at Region VI.

Bukod dito, 75% din ng halos isang milyong doses ng AstraZeneca vaccines ang maiiwan sa NCR Plus bubble.

Facebook Comments