Level ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pag baba ayon sa PAGASA
Habang umuusad ang araw patuloy na nababawasan ang level ng tubig sa Angat Dam.
Ang nasabing dam ang pinagkukunan ng tubig ng mga residente sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorology Division, bumaba pa ng 16 na sentimetro ang level ng tubig sa Anggat Dam.
Sa ngayon nasa 192.78 meters nalang ito ngayong umaga.
Dahil dito, 19 na mentro na ang kulang nito para sa 212 meters na normal high water level ng Anggat Dam.
Bukod sa Angat Dam, bumababa din ang level tubig sa Ipo Dam, Ambuklao Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam at Caliraya Dam.
Facebook Comments