Libreng sakay sa mga maaapektuhan ng transport strike sa Lunes, tiniyak ng Quezon City LGU

Tiniyak ng pamahalaang panlunsod ng Quezon City ma magbibigay ang mga ito ng libreng sakay sa mga commuter na maaapektuhan ng transport strike.

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, magpapadala sila ng ‘Q City Bus’ sa tatlong ruta para isakay ang mga stranded passenger bukas.

Ang mga karagdagang ruta ng bus ay patungong sa Quezon City Hall patungong General Luiz; Quezon City Hall patungong Gilmore at Quezon City Hall papuntang C5 Ortigas Avenue extension.


Asahan din ang mga traffic enforcer mula sa Traffic and Transport Management Department na aalalay sa mga motorista at pasaherong posibleng maapektuhan ng tigil-pasada.

Facebook Comments