Liderato ng Kamara, umaasang maipapasa ng Senado ang panukalang Maharlika Investment Fund pagkatapos ng Holy Week break

Malakas ang pakiramdam ni House Speaker Martin Romualdez na magiging mabilis ang pagpasa ng Senado sa panukalang Maharlika Investment Fund o MIF na naipasa na ng Mababang Kapulungan noong December 15, 2022.

Sa tingin ni Romualdez, posibleng pagkatapos ng Holy Week break ng Kongreso ay aprubahan na ng Mataas na Kapulungan ang proposed MIF.

Sa pagkakaalam ni Romualdez ay nagustuhan ng mga Senador ang draft ng proposed MIF at maari pa nila itong pagandahin at ayusin ng husto.


Paalala ni Romualdez, kapag naisakatuparan ang MIF ay magiging tila magnet ito na hahatak ng mga mamumununan sa Pilipinas.

Facebook Comments