Limang pulis, nadagdag sa nahawa sa COVID-19 sa hanay ng PNP

39

Nadagdagan ng lima ang bilang ng mga pulis na nahawa sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, umabot na sa 42,208 ang nahawa sa COVID-19 sa hanay ng PNP kung saan 37 ang aktibo.

Nadagdagan din ng walo ang mga gumaling dahilan para umabot na sa 42,046 ang recoveries.


Nananatili naman sa 125 ang mga nasawi sa hanay ng PNP dahil sa COVID-19.

Kahapon, nasa 544 ang nadagdag sa bilang ng nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas para sa kabuuang 2,833,878 total cases kung saan 14,977 ang aktibo.

Facebook Comments