Liquor ban, ipinatutupad na rin sa Muntinlupa City sa harap ng paglobo ng kaso ng COVID-19

Kasabay ng curfew sa Muntinlupa City, ipinatutupad na rin ngayon ang liquor ban sa nasabing lungsod.

Epektibo ito ngayong araw, March 15 hanggang sa April 4, 2021.

Nagbabala ang Muntinlupa City Government na ang mga mahuhuling lalabag sa kautusan ay papatawan ng karampatang parusa.


Noong Sabado, March 13 hanggang sa March 28 dakong alas -sais ng umaga, ideneklara ng Muntinlupa City LGU ang “extreme localized community quarantine” sa ilang lugar sa dalawang barangay.

Ito ay sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang mga lugar.

Sa Barangay Tunasan, partikular na naka-lockdown ngayon ang Cruzero Street sa Villa Carolina.

Habang sa Barangay Cupang, naka-lockdown naman ang 124 Purok 1.

Facebook Comments