Lisensya ng mga baril ni Quiboloy, inirekomenda nang bawiin

 

Inirekomenda ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police (PNP) ang revocation ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quibuloy.

Ayon kay PNP FEO Public Information Officer (PIO) Chief Maj. Lady Lou Gondales ipinauubaya na nila kay PNP Chief PGen Rommel Marbil ang pag-apruba sa kanilang rekomendasyon.

Base sa records ng FEO, 19 na baril ang nakarehistro sa pangalan ni Quiboloy pero ang isa ay paso na ang lisensya nitong Marso.


Ang pagkansela ng LTOPF ni Quiboloy ay dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Maliban kay Quiboloy, inirekomenda din ng FEO na makansela ang LTOPF ng 5 pa nitong co-accused.

Si Quiboloy ay mayroong nakabinbing arrest warrants dahil sa mga kasong child abuse, sexual assault, trafficking, exploitation and discrimination.

Kapag ito ay inaprubahan ni PNP Chief Marbil maaaring nang kumpiskahin ng pulisya ang lahat ng kaniyang mga baril.

Facebook Comments