Liza Soberano, nabahala sa maling representasyon sa mental health problem ng isang movie poster

55

Mental health is not a joke.

Ito ang naging pahayag ng aktres na si Liza Soberano matapos mabahala sa umano’y maling representasyon ng isang movie poster sa mga taong may mental health problems.


Ayon kay Liza, dapat tigilan na ang stigma at maling portrayal sa mental disorder na dinaranas ng ilang indibidwal.

Sinuportahan naman ng mga netizens at mental health advocates ang pahayag ng aktres at sinabing isa iito sa dahilan kung bakit nawawalan ng saysay ang kanilang pakikipaglaban sa mental health stigma.

Sa kabila nito, umaasa si Liza na makakatulong ang nasabing pelikula sa pagbibigay liwanag sa pinagdaraanan ng mga taong dumadanas ng nasabing sakit.

Facebook Comments