Local at foreign trips ng pangulo, nilaanan ng mahigit ₱1.4 bilyon para sa susunod na taon

Kabilang sa proposed 2024 national budget ang ₱1.408 bilyong piso para pondo sa local at foreign trip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay ayon kay Department of Budget Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa press briefing sa Malacañang.

Ayon sa kalihim, ang alokasyong pondong ito ay 58% mas mataas sa ₱893.87 milyong pondo ngayong taon.


Idinepensa naman ng kalihim ang tumaas na alokasyon na ito para local at foreign trip ng pangulo.

Paliwanag ni Pangandaman, nasa pamamagitan ng mga biyahe sa ibang bansa naipapakila ang Pilipinas bilang investment hubs.

Kasama kasi aniya ng pangulo maging ang mga economic managers sa mga biyahe abroad.

Kaya naman walang nakikitang problema ang kalihim kung mas malaki ang inilaang pondo sa mga foreign trip ng pangulo dahil malaki rin aniya ang balik nito sa ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments