Inilunsad ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang Rapid Earthquake Damage Assessment System (REDAS) training sa lahat ng empleyado at partners ng LRT-Line 1.
Layon nitong palakasin ang Disaster Preparedness ng LRT operations at Komunidad sa pamamagitan ng resources, expertise at facilities sharing.
Katuwang ng LRMC sa programa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs).
Ang REDAS ay isang software na binuo ng Philvolcs noong 2002 kung saan maaaring i-simulate ang earthquake hazards, tulad ng pagyanig ng lupa, liquefaction, landslides at tsunami.
May kakayahan din ito na i-compute ang epekto ng lindol partikular ang pinsala ng imprastraktura o ari-arian, casualties at economic loss.
Ayon kay LRMC Head of Health, Safety, Environment and Quality Department Dr. Louernie De Sales na isa sa kanilang pangunahing tungkulin ang pagtiyak na nagagampanan pa rin ang serbisyo at matugunan ang planning requirements ng Disaster Monitoring at Risk Reduction.
Pinalawak aniya ang pagsasanay kasama ang Local Government Units (LGU) upang magkaroon ng maayos at sistematikong hakbang tungo sa resilience at emergency preparedness.