LSIs sa Fort Bonifacio, Taguig City, umabot na sa mahigit 700

Patuloy ang pagdagsa ng mga Locally Stranded Individual (LSI) sa Fort Bonificio, Taguig City.

Umabot na sa 754 na mga LSI ang nasa pangangalaga ngayon ng Philippine Army.

Isa na rito si Agamer Hashim na uuwi ng Zamboanga, kasama ang kanyang asawa at isang niyang anak na batang lalaki.


Hindi tulad ng ibang LSIs na mga OFW, iba naman ang kaso ni Hashim dahil pinalayas siya at ang kanyang pamilya ng may-ari na kanilang inuupahan.

Aniya, dahil tatlong buwan na siyang walang trabaho bilang construction worker, kaya tatlong buwan na rin siyang hindi nakakapagayad ng upa ng bahay.

Sinabi nito, kusa siyang pumunta ng Fort Bonifacio at nagbabasakali na matulungan siya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makauwi sa kanilang probinsya kaysa naman na manlimos sila ng kanyang pamilya.

Facebook Comments