Lt. Gen. Camilo Cascolan, itinalagang bagong hepe ng PNP

Itinalaga bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) si Lieutenant General Camilo Cascolan.

Ito ang inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang appointment paper.

Ayon kay Año, magiging epektibo ang panunungkulan ni Cascolan ngayong araw.


Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tiwala sila na ipagpapatuloy ni Cascolan ang mga magagandang hakbang ni Gamboa para patuloy na pagkatiwalaan ng publiko ang PNP.

Papalitan ni Cascolan si PNP Chief Gen. Archie Gamboa na magreretiro ngayong araw.

Si Cascolan ay kasalukuyang Deputy Chief for Administration at Head ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force.

Siya rin ang naging Officer-in-Charge ng PNP nang masugatan si Gamboa sa isang helicopter crash.

Si Cascolan ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1986 at nakatakda ring magretiro sa Nobyembre.

Facebook Comments