LTO, magsasagawa ng konsultasyon para sa pagbuo ng guidelines sa mga e-bike at e-trike

Nagkasa ang Land Transportation Office (LTO) ng diyalogo sa mga stakeholders para konsultahin ang mga ito sa bubuuhing guidelines kaugnay sa paggamit ng e-bike at e-trikes.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, alinsunod na rin ito sa direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista na pakinggan ang saloobin ng iba’t ibang grupo at stakeholder bago bumuo ng guidelines kung dapat bang ipa-rehisttro ang mga e-bike at e-trike at dapat kumuha ng lisensya ang mga rider nito.

Kailangan aniyang maikonsidera ang ilang factor gaya ng umiiral na batas na nagsusulong ng pagmamay-ari at paggamit ng e-bike at- e-trike, gayundin ang mga programa at proyekto ng mga lokal na pamahalaan sa paggamit ng e-vehicles.


Noong nakaraang linggo nagsagawa na ng dayalogo ang LTO na pinangunahan ni Mendoza sa iba’t ibang transport groups at mga organisasyon na sumusuporta sa paggamit ng e-vehicles sa bansa.

Kabilang sa mga natalakay ang mga hinaing ng mga transport group na nawawalan sila ng kita dahil ginagamit ang mga e-trike bilang pampublikong transportasyon.

Tiniyak naman ng LTO na magiging maayos, legal, at katanggap-tanggap para sa lahat ang ilalabas na guidelines at hindi matatapakan ang local autonomy ng mga LGU lalo na at may mga ordinansa at patakaran nang inilabas ang ilang LGUs tungkol dito.

Facebook Comments