LTO, naglabas ng SCO laban sa driver at may-ari ng pampasaherong bus sa isang fatal road accident sa QC

Photo Courtesy: John Santos

Naglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa driver at may-ari ng pampasaherong bus na umararo sa maraming motorsiklo at isang van sa Commonwealth sa Quezon city noong April 29.

Nagresulta ito sa pagkamatay ng tatlong katao at pagkasugat ng higit sa labing isang riders at mga pasahero.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, suspendido na rin sa loob ng 90 ang driver’s license ng driver habang ang Nissan bus na may plate no. TXY 610 ay inilagay sa ilalim ng alarma.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang pampasaherong bus ay bumabagtas sa Southbound Commonwealth Avenue sa Quezon City noong Abril 29, nang ito ay nawalan ng mga preno bilang resulta, sinagasaan nito ang mga motorsiklo at hindi bababa sa dalawang sasakyan, isang sedan at isang van.

Ayon kay Mendoza, bagama’t may inihahanda na ang kasong kriminal laban sa tsuper ng bus na kinilalang si Rolly Canapi Pascua, ito ay hiwalay sa mga kasong inihahanda ng LTO batay sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Pinapaharap ng LTO-NCR ang driver at may-ari sa May 9 upang ay magpaliwanag kung bakit di sila dapat patawan ng parusa.

Ayon naman kay LTO-NCR Director Roque Verzosa III, ang driver at ang may-ari ng bus ay mahaharap sa iba’t ibang mga kasong administratibo na kinabibilangan ng reckless driving, operating a motor vehicle with defective equipment, at improper person to operate a vehicle.

Facebook Comments