Nakatakdang dumating sa Pilipinas sa Hulyo 8 ang isang milyong AstraZeneca COVID-19 vaccine na donasyon ng Japan.
Sa isang tweet, kinumpirma ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ang nasabing anunsyo at tiniyak na nagtatrabaho sila ng double time para hindi madelay ang mga bakuna.
Nauna nang sinabi ni Japan Foreign Minister Toshimitsu Motegi na ang nasbaing vaccine donation ay parte ng pagtulong ng Japan sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na nasa labas ng World Health Organization-led COVAX Facility.
Maliban sa Pilipinas, kabilang din sa makakatanggap ng mga bakuna mula sa Japan ang Indonesia, Malaysia at Thailand.
Facebook Comments