1M jabs per day, target ng pamahalaan sa mga susunod na buwan

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng hanggang 1 million indibidwal sa kada araw.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Sec. Vince Dizon basta’t may vaccine suplay lamang ay kayang-kaya itong makamit ng pamahalaan.

Reaksyon na rin ito ng kalihim sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na pabilisin ang government’s vaccination drive.


Ani Dizon, noong nakaraang linggo ay naabot ang record breaking na 710,000 jabs per day.

Kasunod nito, nanawagan si Dizon sa lahat na magtulungan na lamang, isantabi ang pamumulitika upang maabot ang naturang target at mas marami pa ang mabakunahan.

Kumpyansa naman ang opisyal na kayang maabot ang 1M jabs per day basta’t mayroon lamang sapat na suplay ng bakuna sa bansa.

Facebook Comments