Ikinakasa na ng House Committee on Human Rights ang imbestigasyon ukol sa madugong kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Chairman ng Komite na si Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr., pangunahing sisilipin sa imbestigasyon ang umano’y mga insidente ng extradition killings sa ilalim ng war on drugs.
Sa pagdinig na itinakda sa May 22, bibigyan ng pagkakataong magsalita ang mga magulang ng mga biktima ng EJK at war on drugs lalo na ang magulang ng mga menor de edad na napatay.
Tiniyak naman ni Abante na gugulong ang imbestigasyon nang patas, objective, sensitibo, may malasakit, at respeto.
Kabilang sa plano na paharapin sa pagdinig sina dating Justice Secretary Menardo Guevarra, dating PNP Chief Oscar Albayalde, at mga opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sa ngalan naman ng parliamentary courtesy ay hindi na iimbitahan sa hearing sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald Bato dela Rosa na dating hepe ng Pambansang Pulisya sa ilalim ng Duterte administration.