Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang papel ng mga katutubo sa lipunan ngayong National Indigenous Peoples Day.
Ayon sa pangulo, karapat-dapat lamang na bigyang halaga at respeto ang mga katutubo sa kanilang itinataguyod na kultura, paniniwala, at tradisyon.
Ang mga katutubo rin aniya ang nagsisilbing tagapag-bantay ng kalikasan at likas na yaman.
Kung kaya’t maituturing na biyaya na may ganitong grupo sa isang bansa.
Dagdag pa ng pangulo, patuloy na itinataguyod ng pamahalaan na mas lumawak pa ang magandang relasyon sa iba’t ibang sektor para sa mas maunlad at mapayapang lipunan.
Facebook Comments