Umabot na sa 46.83 percent o katumbas ng 102,747 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nakatanggap na ng booster shot laban sa COVID-19.
Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, patuloy ang pagtuturok ng booster shot sa kanilang hanay nang sa gayon ay magkaroon sila ng dagdag na proteksyon laban sa sakit.
Samantala, sa ngayon may 97.57 percent o katumbas ng 219,412 na mga tauhan ng PNP ang fully vaccinated na.
May 4,647 naman ang nag aabang na lang schedule ng 2nd dose habang mayroong 816 na mga tauhan ang hindi bakunado dahil sa iba’t ibang dahilan.
Facebook Comments