Mahigit 150 volcanic earthquakes, naramdaman sa paligid ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng 152 volcanic earthquakes sa paligid ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, 33 sa mga naitalang pagyanig ay tumagal ng isa hanggang dalawang minuto.

Partikular dito ang isang maiksing phreatomagnetic burst na naitala bandang alas-3 ng hapon kahapon kung saan nagbuga ito ng usok na aabot sa 300 metro ang taas.


Sa kabuuan, patuloy ang aktibidad ng Bulkang Taal sa main crater nito kung saan umangat ang magma patungo sa lawa dahilan para makabuo ito ng usok na 900 metro naman ang taas.

Sa ngayon, nasa Alert Level 2 pa rin ang Bulkang Taal.

Facebook Comments