Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs – Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency, at NAIA- Inter-Agency Drug Interdiction Task Force ang suspek na si Kristopher Segumbang nang tangkang ipuslit ang 622 grams ng ketamine na isang uri ng party drugs.
Ang iligal na droga ay nakasilid sa mga sachet ng kape at si Segumbang ang tumayong kinatawan ng consignee na isang Nick Dimagiba.
Ideneklara ang party drugs na snacks na nagmula sa Malaysia at ito ay nagkakahalaga ng ₱3.11 million.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Facebook Comments