Mahigit 4,000 indibidwal, stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong Pepito —PCG

Aabot sa mahigit 4,000 indibidwal ang nananatiling stranded sa mga pantalan dahil sa banta ng Bagyong Pepito.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard, 4,642 na pasahero, truck driver at mga pahinante ang hindi makabiyahe ngayon dahil sa banta ng masamang panahon.

Kaugnay niyan, 1,897 rolling cargoes, 31 vessels at 22 motorbanca rin ang stranded ngayon sa mga pantalan.


Bukod pa ito sa 256 na barko at 208 na motorbanca na pansamantalang nakikisilong sa ibang pantalan dahil din sa bagyo.

Ang mga naturang pantalan na apektado ay mula sa Bicol Region na may 12, tatlo sa Eastern Visayas, 18 sa Southern Tagalog, lima sa Central Visayas at tatlo sa Western Visayas.

Inaasahan naman na makakabiyahe na rin ang mga ito oras na gumanda na ang lagay ng panahon.

Facebook Comments